Noong Agosto 22, 2025, ipinagdiwang ng ating paaralan ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng makukulay na pagtatanghal. Tampok dito ang elementarya na nagsuot ng kulturang Pilipinong kasuotan, sumayaw, at naghandog ng sabayang pagbigkas. Ang Junior High School naman ay nagpakita ng kanilang talento sa ?Tunog Kalye? gamit ang mga alternatibong instrumento tulad ng timba. Nagbigay-buhay ang Grade 11 sa sabayang pagbigkas, samantalang ang Grade 12 ay sumayaw ng mga tradisyonal na sayaw Pilipino. Kasabay nito, naganap din ang iba?t ibang gawain sa loob ng mga silid-aralan na nagpatibay sa diwa ng wika at kultura.